I need to have atleast 1.43 GWA for this Second Year First Sem to attain a consistent Cum Laude Standing. Super thanks to my Math 54 grade for that GWA T_T
Ang hirap maging GC(grade-conscious). Promise. Pero I’m making this not just for myself, but for my mother. Napakalaking ginhawa rin yun sa sarili lalo na kapag magtatapos ka na may “flying colors” kumbaga. At lalo na alam mo sa sarili mo na maganda ang kinalabasan ng mga paghihirap mo. At sabi nga sa akin ni Mama, “Sa college nakabase ang future mo. Kaya mag-aral ka nang mabuti at mag-aim not just 3, kasi kung alam mong mas kaya mo pa magkaroon ng mas mataas sa 3, galingan mo. Wag kang maging duwag. Maniwala ka. Samahan mo lang ng tiwala at dasal ang tiyaga mo.” Whew! KAYA KO TO =))
Madaming nahihirapan sa sitwasyon na ‘to. Yung tipong madaling sabihin pero napakahirap gawin. Yung mga taong hindi kayang kalimutan yung taong mahal nila, kasi nga mahal nila. Naalala ko yung ex ko na nagturo sakin kung pano ako makaka-move on sakanya. 3 steps daw yun eh? Accept, Let Go and Move…
(Source: youuumads)
Yung mga taong iniwan ng boypren, nakipagbreak, o kung ano pa na kinakailangan ng prosesong tinatawag nating lahat na “move on”, eh para bang bago nang bago. Parang hirap na hirap. (Joke mahirap naman talaga). Pero parang lalo lang nilang nilulugmok yung sarili nila. Alam naman nila kung paano,…
Ilang beses ko na sinabi ‘to sa sarili ko, Gusto na talaga kitang kalimutan. Mabura ka sa isip ko. May times na talagang naging successful. May times na bumabalik-balik pa rin sa utak ko. Yung papasok sa isip nang ‘di mo namamalayan kahit may ginagawa ka then i-ooccupy na naman nun ang isip ng ilang oras.
Alam ko sa sarili ko na wala na akong nararamdaman. Matagal na nawala nang marealize ko na wala na rin naman yung taong minahal ko noon. Tama na. Sobra na. Masakit na.
Pero yung feeling na papasok pa rin siya sa utak ko at nagigimbala ako, nakakainis. Ayoko na ehh. Tantanan mo na ako pwede ba? Alam ko wala na rin naman siya pakialam sakin pagkatapos niya iwanan ako na may sugat. At masakit pa, malalim yung sugat na ‘yun. Ilang timba siguro ng luha ang napuno ko. Nakailang beses na akong ‘di makatulog dahil sa paggimbala niya sa utak ko.
Minsan, kapag nagigimbala ako, ‘di ko mapigilan sarili ko na sumulyap sa profile niya. Ayun. May bago na. Nabingwit nga lang. Incoming freshman. Kawawa yung girl. At ayun. Pareho na sila gumagambala sa isip ko.
Kaya panay punta ko sa church. Kinakausap ko Siya, na sana tulungan niya ako. Minsan kapag wala akong masabihan na kaibigan, sa Kanya ako tumatakbo. Kinukwento ko ang paggigimbala niya sa utak ko.
Hayy. Ayoko na. Kung may memory eraser nga lang, gagamitin ko na yun at aalisin ko siya sa memory ko. Gusto ko na maging malaya mula sa sakit na binigay niya sa’kin. Gusto ko na magkaroon ng peaceful na pag-iisip. Ayoko na sila isipin pa. Tama na. Mabigat pa rin sa puso.
